Home » Tags
+..It's great to have you in my heart and to be able to feel you close to me all day long. I never get to miss you because I know that your always with me, even when we have many roads and miles between us..+
+..Please add yourself to the mailing list and introduce yourself. This is to avoid plagiarism. ok. All you have to write is you fullname and from what school you are from. Of course, you’re email address is most important. You are lucky if you are from my alma mater..+

+..Emo the 2nd time around..+

January 14, 2008

+..Walang kokontra. Nagpapakasenti lang..+ 

 

+..Wala na kaya akong karapatan sa iyo? Ang mahalin kita ang siya kong karapatan. Hindi ko maipipilit ang aking sarili. Mamahalin kita nang may paghahamon. Inihanda ko na ang aking sarili sa anumang pag-uusig, at ang pag-uusig man ng aking sarili, balang araw, kung mangyari man, ay pinaghandaan ko na rin..+

 

+..Bakit lagi kitang nakikitang umiiyak? Hindi pa naman ako mamamatay ah. Sa tinig mo’t mga tingin nakikita kong nalulungkot ka. Hindi mo ba alam? Minsan masakit sa aking kalooban, nahihirapan ako sa ganoong mga kilos mo’t galaw. Umiiyak ka dahil sa nalalapit kong paglisan. Para akong mamamatay sa hirap ng aking dinaramdam sa tuwing nakikita kitang lumuluha at sa pagsasabi mo sa akin na ako’y lilisan na. Bakit ba? Panandalian lang naman yun di ba? Darating ang panahon na magkakasama na ulit din tayo. Kaunting panahon lang yun at sana sa panahon na magkita tayong muli ay nariyan ka at naghihintay sa aking pagbabalik..+

 

+..Hindi naman ako lalayo eh. Nandito pa rin ako at lubos na nagmamahal sayo. Hindi ko lang talaga maiparamdam dahil sa takot na maulit pa ang mga masasamang pangyayari sa atin noon sa mga taong may malisya ang pag-iisip. Ngayon, tayo’y nakakulong sa daigdig ng mga taong nasa paligid natin. Nais natin kumawala pero hindi natin alam kung papaano. Umaasa ako na darating ang araw na tayo’y magiging malaya at magkaroon ng sarili natin daigdig kung saan tayo’y maligaya..+

 

 

haha..Napakakorni pero totoo..

 

Posted by heartrhebelsooemo at 9:30 pm | permalink | Add comment