+..Please add yourself to the mailing list and introduce yourself. This is to avoid plagiarism. ok. All you have to write is you fullname and from what school you are from. Of course, you’re email address is most important. You are lucky if you are from my alma mater..+
Pagsusuri: Ang Tundo Man May Langit Din
April 5, 2008PAGSUSURI
A. Pamagat
Ang panganay na nobela ni Andres Cristobal Cruz ay pinamagatang “Ang Tundo Man May Langit Din.” Kung mababasa ang aklat, mapapansin ang palagiang pagbanggit ng pangunahing tauhan sa pamagat ng nobela. Kung ang kabuaan ng isang nobela, o alinmang anyo ng sining pampanitikan ay sinasabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uring kanyang kinabibilangan. Ang Tundo Man May Langit Din ay maituturing na biyaya ng maraming ugnayan sa isang panahon ng pag-ibig. Narito ang maraming pagsubok, kabiguan at tagumpay, ang diwang ispiritwal, damdaming mapanghimagsik, ang pagkilos na makatao’t makabayan.
B. Tauhan
Victor Del Mundo – siya ay taga-Tundo na nangangarap na ang katulad niya ay may mahahanap na langit para sa kanyang Tundo.
Alma Fuertes – siya ay mayaman ngunit mas pinipili niya ang buhay na simple lamang. Naniniwala rin siya sa paniniwala ni Victor naang Tundo Man ay May Langit Din at ang langit ng kanyang daigdig ay si Victor.
Flor – siya ay kababata ni Victor at minsang naging mahal na mahal ni Victor, kaugnay ng kanyang buhay, sa isang panahon ng pangarap sa isang Looban sa Tundo. Ang panahong iyon ay nawakasan nang hindi na makapagtiwala si Flor sa paniniwala ni Victor na “ang Tundo man ay may langit din.” Si Flor ay siyang maybahay, ang “misis” ni Tonyo ngunit napag-alaman niyang may ibang pamilya na ito bago pa siya magdalantao.
Tonyo – siya ang ama ng dinadala ni Flor ngunit sa kalaunan ng nobela ay malalaman ni Flor na siya ay mayroon ng pamilya at asawa bago pa sila magkakilala.
Chabeng – ang totoong maybahay at misis ni Tonyo na may malubhang sakit.
Aling Sion – ina ni Victor na minsan lamang nila makausap ng maayos at laging tahimik.
Lukas – matandang kapatid ni Victor na kilala sa kanilang lugar.
Tatong Bamban
Paeng Gasti Mga matalik na kaibigan ni Lukas na
Pilo laging tumutulong sa kanya
Dolores – dating katulong nila Alma na nagawan ng hindi mabuti ng kanyang ama.
Mister Fuertes – ama ni Alma na may itinagong lihim sa kanila tungkol sa anak nito sa katulong nilang si Dolores.
Misis Fuertes – ina ni Alma na laging tinatambakan ng hairclips ang buhok. <!-
Pocholo – kapatid ni Alma.
Monching – isang matalik na kaibigan ni Alma na mayroong matinding pagkagusto sa kanya.
Minnie – pinsan ni Alma na lagi niyang pinagsasabihan ng kanyang nadarama.
C. Balangkas ng Pangyayari
Ø Pagtawag ni Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa isang palamigan sa Quiapo.
Ø Nalaman ni Victor na dalawang buwan ng nagdadalantao si Flor.
Ø Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan.
Ø Napagpasiyahan ni Victor na dumalaw sa apartment na inuupahan ni Flor.
Ø Habang pauwi na sila Victor at Lukas ay napa-away sila sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong sila’y nasa isang restawran sa Tundo.
Ø Kumalat ang balitang nakipagbakbakan sina Victor at Lukas.
Ø Kinuwestiyon ni Victor ang librong isinulat ng isang awtoridad sa Kasaysayan ng Pilipinas na si Agila.
Ø Bumili ng bagong talaarawan si Alma.
Ø Nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at sa dati nilang katulong na si Dolores.
Ø Napagpasiyahan ni Almang magkaroon ng isang party sa kanilang bahay.
Ø Nagtungo si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party nila Alma.
Ø Dumating si Victor sa party ni Alma.
Ø Napagpasiyahan na ni Victor na siya’y dadalo sa Baccalaureate at sa Graduation niya.
Ø Binigyan niya ng regalo si Alma pagkatapos ng kanilang Baccalaureate.
Ø Dumating ang arawng Graduation nila Alma at Victor kung saan kasama nila ang kanilang malalapit na kamag-anak.
Ø Nakilala ni Alma ang ina ni Victor at gayundin naman pagpapakilala ni Alma sa kanyang mga magulang kay Victor.
Ø Binuksan ni Victor ang regalo ni Flor, iyon ay isang relo na may engraved na “Victor Del Mundo” at ang pangalan ni Flor.
Ø Niregaluhan naman ni Alma si Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na “Victor-Alma.”
Ø Sumulat si Victor tungkol sa fountain pen na ibinigay ni Alma.
Ø Pinuntahan ni Alma si Victor sa opisinang pinapasukan ni Victor upang kausapin ito tungkol sa sulat na ipinadalan ni Victor sa kanya.
Ø Ipinagtapat ni Alma kay Victor ang kanyang masamang panaginip tungkol sa kanyang ama at kay Dolores.
Ø Nagtatag si Victor ng isang adult education class upang maturuan ang mga matatanda sa kanilang lugar.
Ø Nagtayo ng isang patahian si Flor at katulong niya si Dolores sa pagpapatakbo nito.
Ø Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon ay nakita na ni Alma ang kanyang matagal ng hinahanap na si Dolores.
Ø Nag-umpisa ng magturo si Alma sa Torres High School.
Ø Nag-usap sina Flor at Tonyo tungkol sa kanilang magiging anak.
Ø Binigyan ni Alma ng tseke si Dolores bilang sustento nito at tulong sa kanyang kapatid sa ama.
Ø Kinuha si Victor bilang tagapayo ng isang samahang tinawag na Sikhay ng Kabataan.
Ø Nagkaroon na ng appointment si Victor bilang substitute teacher sa Torres High School sa tulong ni Paking na boss ng kanyang kapatid na si Lukas.
Ø Nagkita muli si Victor at Alma, napag-alaman ni Alma na magtuturo na si Victor sa Torres High.
Ø Ang mga kabataang kasapi ng samahang Sikhay ng Kabataan ay naglinis ng estero kasama sina Victor at ang mga kumpare ni Lukas.
Ø Dumating naman si Alma habang naglilinis ng estero sina Victor at nag-alok ito na siya na ang bahala sa inumin.
Ø Dinala si Lukas sa Ospital dahil sa pagkakabaril sa kanya sa kanyang balikat ng mga tauhan ng kalaban ni Paking.
Ø Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at nagmadali si Tonyo na puntahan ito sa ospital.
Ø Napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang may bahay na siya’y may anak ka Flor ngunit bago pa niya ito ipagtapat ay napag-alaman niyang matagal na itong alam ng kanyang asawa.
Ø Pumasyal sina Chabeng at Tonyo kay Flor.
Ø Nagtapat na si Alma ng kanyang nadarama para kay Victor.
Ø Ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy ang tungkol kay Dolores dahil sa pagtatalo nila tungkol kay Victor.
Ø Nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma kung saan nakalagay ang lahat ng sikreto nito. Binasa iyon ni Victor.
Ø Namasyal sina Alma at Victor sa buong Tundo.
Ø Namasyal muli sina Victor at Alma, at sa unang pagkakataon ay nahawakan nila ang kamay ng isa’t isa.
Ø Lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma, napagpasiyahan ni Victor na hingin na ang kamay ni Alma sa ama nito.
Ø Pupunta na sana si Victor sa bahay nila Alma ngunit nahuli siya dahil sa nakaengkwentro na naman ng kanyang kapatid ang mga bata ng kalaban ng kanilang boss.
Ø Dumating si Victor sa bahay nila Alma at doon ay nakipag-usap kay Mister Fuertes tungkol sa pagpapakasal nila ni Alma.
Ø Nagkita muli sina Flor, Tonyo at Chabeng, sa araw na iyon, nakipaghiwalay na si Flor kay Tonyo dahil sa mas kailangan si Tonyo ng kanyang totoong pamilya.
Ø Balitang-balita sa mga taga-Looban ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Victor.
Ø Dumating ang araw ng kasal nila Alma at Victor.
Ø Pagkatapos ng kasal ay napag-isa na ang dalawang bagong kasal.




