Home » Post Item » +..Buod ng "Ang Tundo Man May Langit Din."..+
+..It's great to have you in my heart and to be able to feel you close to me all day long. I never get to miss you because I know that your always with me, even when we have many roads and miles between us..+
+..Please add yourself to the mailing list and introduce yourself. This is to avoid plagiarism. ok. All you have to write is you fullname and from what school you are from. Of course, you’re email address is most important. You are lucky if you are from my alma mater..+

+..Buod ng "Ang Tundo Man May Langit Din."..+

February 15, 2008

"Ang Tundo Man May Langit Din" 

 ni Andres Cristobal Cruz

 

Tumawag si Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa isang palamigan sa Quiapo. Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng nagdadalantao. Nangangaba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor. Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan. Pagkatapos ng kanilang klase ay napagpasiyahan niyang dumalaw sa apartment ni Flor. Pagkatapos ng kanyang pagdalaw kay Flor ay umuwi na siya. Namataan niyang nag-iinuman sina Lukas at ang mga kaibigan nito sa isang restawran sa Looban ng Tundo. Muntik ng magkagulo sa loob ng restawran. Buti na lamang at napigilan iyon ni Victor. Ngunit ng papauwi na sila ni Lukas ay nakaharap muli nila ang mga Waray at nakipagbabakan ang mga iyon sa kanila. Kumalat sa Looban ang tungkol sa pakikipagbakbakan nila Victor at Lukas.

Sa klase nila Victor at Alma na Philippine History ay kinuwestiyon ni Victor ang librong isinulat ni Agila na isang awtoridad ng Kasaysayan ng Pilipinas. Sa araw din na iyon ay bumili si Alma ng bago niyang talaarawan.

Sa gabing iyon ay nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at kay Dolores na dati nilang katulong. Kinabukasan ay nagpaalam si Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang graduation. Inanyayahan ni Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor. Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang magpaparty. Nagtungo muli si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party ni Alma. Nagtalo silang dalawa tungkol sa kagustuhan ni Flor na hindi na maaari pang mangyari. Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay pumunta na si Victor sa bahay nila Alma.

Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya nitong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at Victor, sa araw na iyon ay niregaluhan ni Victor si Alma. Kinabukasan ay araw ng graduation nila Alma at Victor, sa araw naman na iyon ay nagregalo si Alma kay Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na “Victor-Alma.” Si Flor naman ay nagregalo kay Victor ng isang relo.

Lumipas ang ilan pang mga araw. Nabalitaan ni Victor na nakapagtayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama.

Dumating ang buwan ng Hunyo. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama.

Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.

Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at sa araw na iyon ay hindi nagpahuli si Tonyo. Naroroon siya upang makita ang kanyang anak kay Flor. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang maybahay na siya’y may anak ka Flor. Naging maayos ang usapan ng mag-asawa at napagpasiyahan nilang dumalaw kay Flor sa ospital.

Hindi na napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores. Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor.

Kinabukasan ay ipinadala ni Alma ang kanyang bag kay Victor at sa di sinasadya ay nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma. Hindi umaamin si Victor kay Alma nang tanungin siya nito kung nabasa niya ang talaarawan nito.

Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin ng isa’t isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila Alma upang hingin ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang ama ni Alma at masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong madaling panahon ay ikakasal sila.

Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa gabi ng kanilang kasal ay nakapag-isa ang bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay Victor at Ibinigay naman ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa’t isa. Doon ay ipinagtapat na ni Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo’y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala’y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.     

 


Posted by heartrhebelsooemo at 6:31 pm | permalink

Previous Comments

w0w.. nice story tlga 2.. pede ba gawa kau ng mga tauhan ng tundo man ay may langit din.. ganda pa ng background ng profile na 2.. its nice tlga..

Posted by lala at February 26, 2008, 1:47 pm

nice tanx my projek n po akow

Posted by pat3k at March 3, 2008, 6:01 pm

waaw.thank you. i needed this one!

Posted by mica at March 8, 2008, 8:21 am

ang ganda ng background music. :)
thanks sa buod. nakatulong cia ng sobra. hehe :)

Posted by jhenn at March 21, 2008, 9:00 pm

thnx..hehe…i need this summary.. kulang na sa oras pra tpusin ko pang basahin..salamat…

Posted by marose at March 24, 2008, 3:24 pm

hey man!! thank you!! i am cramming for my book report about this… laking tulong.. thank you.. =)salamat salamat..!

Posted by manshak at April 13, 2008, 8:44 pm

ako gagawa palng kaso kulang wlang character pwde request? favorite ng cousin ko yan si frince

Posted by mhean at June 27, 2008, 11:48 pm

thank you, thank you, thank you, talga mga pare kung sino man gumawa n2 ang GANDA laki ng tulong sakin WEEEEEEE!! YES!
thank you!

Posted by adS! at July 1, 2008, 7:04 pm

hay diyos q po nka kita dn kaw lng pla sagot sa aking mga tula…salamat ng mrami po sa inyo….keep it up…at least nbawasan ang prob. q s pag gwa ng book report…ty…ty…ty..very much…..love you idol….^_^v

Posted by michiboi at August 6, 2008, 4:20 pm

wooooooh!!
thanks to you!
you saved my Book Report!!
hahaha
this Helped me alot:D
keep safe who ever you are

Posted by zane hils at October 2, 2008, 8:11 pm

Ang ganda tlaga ng nobelang 2..sana mewon pang ksunod,,,,hehehehe

Posted by jay-ren at October 5, 2008, 5:49 pm

hi!!! salamat po sa buod! kahit late n ko ntpos mgbsa ntpos ko on time ung project ko!!thanx tlga sa site n ‘to…

Posted by mara at October 18, 2008, 5:44 pm

hey hi .. thank you talaga .. hirap kasing basahin =] buti na lang jan ka =] thank you ult .. ow ya i you could put the members for the characters sa isang side that will be great =] .. hehe hmm ang deep kasing bashin ng tagalog .. so thank you ulit

Posted by bernadette at November 1, 2008, 4:11 am

tnx gmwa k ng summary.. haha.. nid q kc.. thanks..

Posted by ira at November 23, 2008, 11:26 am

tnx sa summary paramihin nto pa

Posted by janelyn at December 4, 2008, 1:58 pm

cHada nlng wLa mAy LaiN..hehehe..bTw cHada cxa..harharhar☺♥♥

Posted by LiLets! at December 6, 2008, 8:42 pm

kelangan ko po ng talambuhay ng author ne2
plsss pa elp…

Posted by jeff at December 13, 2008, 12:37 pm

“,i love it…!

nice nmn my buod agd aquh,ahehe
d nha meh mgp2kahrap…!

ma.matxz

Posted by ejhoy at January 3, 2009, 7:51 pm

, aluw .. anu pu ba mensahe nan akda na yan ? hehe .. tenks for da summary !

Posted by rhaeshaken at January 4, 2009, 1:03 pm

ty!! un!!! wahahahaha… may project na ako!!! ty tlga!!! wahahahaha.. =))

Posted by kool at January 11, 2009, 1:54 pm

-boy. salamat sa summary. god bless.-

Posted by nice guy at January 12, 2009, 7:53 pm

i read this already…nice story :>

Posted by girl at January 19, 2009, 6:25 pm

pare tnx puh tlga………amf graduating na aq………..^________^ ganda ng story….galing talga ni cristobal………nice masterpiece…….. kahit medyo nakakabagot peo nakaka relate xken….

Posted by lester at January 22, 2009, 9:45 am

2ng novel n 2 ung proj. q s filipino.
at 1st d q xa mgets den sddnly naintndhn q agd xa. it was a nice story. i like this one

Posted by theresa at January 24, 2009, 2:11 pm

hi poh!!!!!sabi raw ng guro ko kulang pa daw yong buod…hindi raw kumpleto!!!pero lam maganda daw talaga ang istorya ng nobela…dahil nangyayari daw ito sa totong buhay…cge sana gawa kapa ng ina….ganda!!!!!salamat…..

Posted by breaker at February 6, 2009, 11:28 pm

waw…di ineexpect t ah…haha..tnx me suring basa nko ^^….any weiz…kilala mu si bespren lovelle??…^^

Posted by klopi at February 9, 2009, 7:35 pm

tnX sa sUmmary.,=]
GodbLeZz.,

=aNgeLA

Posted by aNgeLA at February 15, 2009, 7:51 pm

I thank you for your most helpful information and creative blog. :)

Posted by Janine Manuzon at February 16, 2009, 9:32 pm

thanks for this blog. sobrang laking help saken to..

Posted by Thea Tugon at February 23, 2009, 7:52 pm

Thank you for your blog… It helped our group in preparing for our report in Filipino. Godbless….

Posted by Rochelle Balista at February 24, 2009, 8:51 pm

weew.. thnx xa bu0d mo.. it really helps me a lot;)

Posted by th0n at February 25, 2009, 12:58 pm

salamat sa buod…thank you tlga..
hehehe..

Posted by ina_mu at March 2, 2009, 11:14 am

…hmmm..tnsx poh nbasa koh din to..jejejeje..grabe my project nah ako..hmmm..tnx…jejeje..bhubye poh..

Posted by kristine at March 3, 2009, 8:13 am

maraming slmat talaga!!!!

Posted by danzel at March 4, 2009, 6:55 pm

pa create

Posted by jomel04 at March 5, 2009, 6:16 pm

thank you!
assignment q kac 2
salamat
:D

Posted by angelo ruanto at March 10, 2009, 7:27 pm

..hi!
tnx for posting this!
really helped me in making my project!
lots of love!

Posted by zarah clarisse at March 10, 2009, 10:22 pm

ahhrrr . . bitin ung story !!!!!!

pro gandah ahhh !!!!

Posted by simpliditah.chiccq at March 11, 2009, 2:13 pm

auz ikli na siya hahahaha

Posted by mel at March 29, 2009, 1:13 pm

hahahaha ang galing aman ni2 tmx sa summary

bati tlmbuhay ko summary moh

jowkssssssssssssssss

loove yuo ollllllllllllll

Posted by chrishly 05 at March 29, 2009, 11:16 pm

kakatapos ko lang basahin ito kani-kanina… ito actually ang pinaka-unang nobelang pilipino aking binasa mula sa simula hanggang sa huli. nagulat ako sapagkat less than 2 days ko lang natapos ang librong ito. natawa ako at kinilig sa kwento ng buhay nila. sobrang galing. nabitin lamang ako sa bandang huli. nabitin ako sa kiligan nila alma at victor..haha.. nais ko sanang humaba pa ng kaunti iyong parteng iyon.. hehe.. isa ito sa mga inspirasyon nating mga pilipino. makaraan ang ilang dekada, medyo ganun pa rin ang tingin natin sa tondo. isang lugar na puno ng krimen at maraming gang. pero kahit papano tiyak na sa tundo man ay may langit din.

Posted by lian dumas at April 3, 2009, 4:09 am

Yehey! Matatapos na ako ng Clearance! Thanks! If you need help in Math, Pwede ako mag Tutor for Free! Basta kayo bahala sa pamasahe. :D

Bayang Malaya na lang. :) )

Posted by Rafael Perea at May 3, 2009, 5:40 pm

bakit hindi yung “maganda pa ang daigdig” nilabasan d2 sa internet puro tondo ang binanggit kuwen2 sa librong pluma ng IV katulad naman walang kinalabasan ng pelikulang “jaguar”

Posted by GEORGE DEAN B. DEMAFELIS at May 17, 2009, 8:35 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment