+..Please add yourself to the mailing list and introduce yourself. This is to avoid plagiarism. ok. All you have to write is you fullname and from what school you are from. Of course, you’re email address is most important. You are lucky if you are from my alma mater..+
Mga Kaluluwa sa Kumunoy
February 8, 2009After a long rest from reading. I have decided to have my newest book project. The book is entitled “Mga Kaluluwa sa Kumunoy”.
Remember:
Plagiarism is against the law. Please ask me first if you could get the ideas on my book reviews. Or rather place an acknowledgement of me. You can also rephrase the words. But never copy the one that I have created and paste it in your project. Thank You!
Pagsusuri: Ang Tundo Man May Langit Din
April 5, 2008PAGSUSURI
A. Pamagat
Ang panganay na nobela ni Andres Cristobal Cruz ay pinamagatang “Ang Tundo Man May Langit Din.” Kung mababasa ang aklat, mapapansin ang palagiang pagbanggit ng pangunahing tauhan sa pamagat ng nobela. Kung ang kabuaan ng isang nobela, o alinmang anyo ng sining pampanitikan ay sinasabing sagisag ng isinawikang ugna-ugnayan ng mga kaisipan at damdamin sa buhay, pamumuhay, at kabuhayan ng tao at uring kanyang kinabibilangan. Ang Tundo Man May Langit Din ay maituturing na biyaya ng maraming ugnayan sa isang panahon ng pag-ibig. Narito ang maraming pagsubok, kabiguan at tagumpay, ang diwang ispiritwal, damdaming mapanghimagsik, ang pagkilos na makatao’t makabayan.
B. Tauhan
Victor Del Mundo – siya ay taga-Tundo na nangangarap na ang katulad niya ay may mahahanap na langit para sa kanyang Tundo.
Alma Fuertes – siya ay mayaman ngunit mas pinipili niya ang buhay na simple lamang. Naniniwala rin siya sa paniniwala ni Victor naang Tundo Man ay May Langit Din at ang langit ng kanyang daigdig ay si Victor.
Flor – siya ay kababata ni Victor at minsang naging mahal na mahal ni Victor, kaugnay ng kanyang buhay, sa isang panahon ng pangarap sa isang Looban sa Tundo. Ang panahong iyon ay nawakasan nang hindi na makapagtiwala si Flor sa paniniwala ni Victor na “ang Tundo man ay may langit din.” Si Flor ay siyang maybahay, ang “misis” ni Tonyo ngunit napag-alaman niyang may ibang pamilya na ito bago pa siya magdalantao.
Tonyo – siya ang ama ng dinadala ni Flor ngunit sa kalaunan ng nobela ay malalaman ni Flor na siya ay mayroon ng pamilya at asawa bago pa sila magkakilala.
Chabeng – ang totoong maybahay at misis ni Tonyo na may malubhang sakit.
Aling Sion – ina ni Victor na minsan lamang nila makausap ng maayos at laging tahimik.
Lukas – matandang kapatid ni Victor na kilala sa kanilang lugar.
Tatong Bamban
Paeng Gasti Mga matalik na kaibigan ni Lukas na
Pilo laging tumutulong sa kanya
Dolores – dating katulong nila Alma na nagawan ng hindi mabuti ng kanyang ama.
Mister Fuertes – ama ni Alma na may itinagong lihim sa kanila tungkol sa anak nito sa katulong nilang si Dolores.
Misis Fuertes – ina ni Alma na laging tinatambakan ng hairclips ang buhok. <!-
Pocholo – kapatid ni Alma.
Monching – isang matalik na kaibigan ni Alma na mayroong matinding pagkagusto sa kanya.
Minnie – pinsan ni Alma na lagi niyang pinagsasabihan ng kanyang nadarama.
C. Balangkas ng Pangyayari
Ø Pagtawag ni Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa isang palamigan sa Quiapo.
Ø Nalaman ni Victor na dalawang buwan ng nagdadalantao si Flor.
Ø Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan.
Ø Napagpasiyahan ni Victor na dumalaw sa apartment na inuupahan ni Flor.
Ø Habang pauwi na sila Victor at Lukas ay napa-away sila sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong sila’y nasa isang restawran sa Tundo.
Ø Kumalat ang balitang nakipagbakbakan sina Victor at Lukas.
Ø Kinuwestiyon ni Victor ang librong isinulat ng isang awtoridad sa Kasaysayan ng Pilipinas na si Agila.
Ø Bumili ng bagong talaarawan si Alma.
Ø Nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at sa dati nilang katulong na si Dolores.
Ø Napagpasiyahan ni Almang magkaroon ng isang party sa kanilang bahay.
Ø Nagtungo si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party nila Alma.
Ø Dumating si Victor sa party ni Alma.
Ø Napagpasiyahan na ni Victor na siya’y dadalo sa Baccalaureate at sa Graduation niya.
Ø Binigyan niya ng regalo si Alma pagkatapos ng kanilang Baccalaureate.
Ø Dumating ang arawng Graduation nila Alma at Victor kung saan kasama nila ang kanilang malalapit na kamag-anak.
Ø Nakilala ni Alma ang ina ni Victor at gayundin naman pagpapakilala ni Alma sa kanyang mga magulang kay Victor.
Ø Binuksan ni Victor ang regalo ni Flor, iyon ay isang relo na may engraved na “Victor Del Mundo” at ang pangalan ni Flor.
Ø Niregaluhan naman ni Alma si Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na “Victor-Alma.”
Ø Sumulat si Victor tungkol sa fountain pen na ibinigay ni Alma.
Ø Pinuntahan ni Alma si Victor sa opisinang pinapasukan ni Victor upang kausapin ito tungkol sa sulat na ipinadalan ni Victor sa kanya.
Ø Ipinagtapat ni Alma kay Victor ang kanyang masamang panaginip tungkol sa kanyang ama at kay Dolores.
Ø Nagtatag si Victor ng isang adult education class upang maturuan ang mga matatanda sa kanilang lugar.
Ø Nagtayo ng isang patahian si Flor at katulong niya si Dolores sa pagpapatakbo nito.
Ø Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon ay nakita na ni Alma ang kanyang matagal ng hinahanap na si Dolores.
Ø Nag-umpisa ng magturo si Alma sa Torres High School.
Ø Nag-usap sina Flor at Tonyo tungkol sa kanilang magiging anak.
Ø Binigyan ni Alma ng tseke si Dolores bilang sustento nito at tulong sa kanyang kapatid sa ama.
Ø Kinuha si Victor bilang tagapayo ng isang samahang tinawag na Sikhay ng Kabataan.
Ø Nagkaroon na ng appointment si Victor bilang substitute teacher sa Torres High School sa tulong ni Paking na boss ng kanyang kapatid na si Lukas.
Ø Nagkita muli si Victor at Alma, napag-alaman ni Alma na magtuturo na si Victor sa Torres High.
Ø Ang mga kabataang kasapi ng samahang Sikhay ng Kabataan ay naglinis ng estero kasama sina Victor at ang mga kumpare ni Lukas.
Ø Dumating naman si Alma habang naglilinis ng estero sina Victor at nag-alok ito na siya na ang bahala sa inumin.
Ø Dinala si Lukas sa Ospital dahil sa pagkakabaril sa kanya sa kanyang balikat ng mga tauhan ng kalaban ni Paking.
Ø Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at nagmadali si Tonyo na puntahan ito sa ospital.
Ø Napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang may bahay na siya’y may anak ka Flor ngunit bago pa niya ito ipagtapat ay napag-alaman niyang matagal na itong alam ng kanyang asawa.
Ø Pumasyal sina Chabeng at Tonyo kay Flor.
Ø Nagtapat na si Alma ng kanyang nadarama para kay Victor.
Ø Ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy ang tungkol kay Dolores dahil sa pagtatalo nila tungkol kay Victor.
Ø Nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma kung saan nakalagay ang lahat ng sikreto nito. Binasa iyon ni Victor.
Ø Namasyal sina Alma at Victor sa buong Tundo.
Ø Namasyal muli sina Victor at Alma, at sa unang pagkakataon ay nahawakan nila ang kamay ng isa’t isa.
Ø Lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma, napagpasiyahan ni Victor na hingin na ang kamay ni Alma sa ama nito.
Ø Pupunta na sana si Victor sa bahay nila Alma ngunit nahuli siya dahil sa nakaengkwentro na naman ng kanyang kapatid ang mga bata ng kalaban ng kanilang boss.
Ø Dumating si Victor sa bahay nila Alma at doon ay nakipag-usap kay Mister Fuertes tungkol sa pagpapakasal nila ni Alma.
Ø Nagkita muli sina Flor, Tonyo at Chabeng, sa araw na iyon, nakipaghiwalay na si Flor kay Tonyo dahil sa mas kailangan si Tonyo ng kanyang totoong pamilya.
Ø Balitang-balita sa mga taga-Looban ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Victor.
Ø Dumating ang araw ng kasal nila Alma at Victor.
Ø Pagkatapos ng kasal ay napag-isa na ang dalawang bagong kasal.
+..Buod ng "Ang Tundo Man May Langit Din."..+
February 15, 2008"Ang Tundo Man May Langit Din"
ni Andres Cristobal Cruz
Tumawag si Flor kay Victor upang anyayahan itong makipagkita sa kanya sa isang palamigan sa Quiapo. Napag-alaman ni Victor na si Flor ay dalawang buwan ng nagdadalantao. Nangangaba si Flor na totoo ang sinasabi ng babaing pumunta sa kanyang apartment at sinabing siya ang totoong asawa ni Tonyo na ama ng dinadala ni Flor. Nangako si Victor na aalamin kung totoo ang kinatatakutan ni Flor. Nahuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma sa lobby ng pamantasang kanilang pinapasukan. Pagkatapos ng kanilang klase ay napagpasiyahan niyang dumalaw sa apartment ni Flor. Pagkatapos ng kanyang pagdalaw kay Flor ay umuwi na siya. Namataan niyang nag-iinuman sina Lukas at ang mga kaibigan nito sa isang restawran sa Looban ng Tundo. Muntik ng magkagulo sa loob ng restawran. Buti na lamang at napigilan iyon ni Victor. Ngunit ng papauwi na sila ni Lukas ay nakaharap muli nila ang mga Waray at nakipagbabakan ang mga iyon sa kanila. Kumalat sa Looban ang tungkol sa pakikipagbakbakan nila Victor at Lukas.
Sa klase nila Victor at Alma na Philippine History ay kinuwestiyon ni Victor ang librong isinulat ni Agila na isang awtoridad ng Kasaysayan ng Pilipinas. Sa araw din na iyon ay bumili si Alma ng bago niyang talaarawan.
Sa gabing iyon ay nagkaroon muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at kay Dolores na dati nilang katulong. Kinabukasan ay nagpaalam si Alma sa kanyang Daddy at Mommy na magkaroon ng party para sa nalalapit niyang graduation. Inanyayahan ni Alma ang kanyang mga kaklase at si Victor. Dumating ang araw ng party ni Alma ngunit siya ay malungkot dahil sa hindi sinunod ng kanyang mga magulang ang kagustuhan niya na sila-sila lamang ng kanyang mga kaklase ang magpaparty. Nagtungo muli si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party ni Alma. Nagtalo silang dalawa tungkol sa kagustuhan ni Flor na hindi na maaari pang mangyari. Pagkatapos ng pagtatalong iyon ay pumunta na si Victor sa bahay nila Alma.
Dahil sa pamimilit ni Alma at dahil na rin sa pamilya ni Victor ay napagpasiya nitong dumalo sa kanilang baccalaureate at graduation dahil sa ayaw niyang ipagkait ang kaligayahan sa kanyang pamilya. Dumating ang araw ng Baccalaureat nila Alma at Victor, sa araw na iyon ay niregaluhan ni Victor si Alma. Kinabukasan ay araw ng graduation nila Alma at Victor, sa araw naman na iyon ay nagregalo si Alma kay Victor ng isang fountain pen na may naka-engraved na “Victor-Alma.” Si Flor naman ay nagregalo kay Victor ng isang relo.
Lumipas ang ilan pang mga araw. Nabalitaan ni Victor na nakapagtayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo nito si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama.
Dumating ang buwan ng Hunyo. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama.
Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo.
Dumating ang araw ng panganganak ni Flor at sa araw na iyon ay hindi nagpahuli si Tonyo. Naroroon siya upang makita ang kanyang anak kay Flor. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay napagpasiyahan ni Tonyo na ipagtapat sa kanyang maybahay na siya’y may anak ka Flor. Naging maayos ang usapan ng mag-asawa at napagpasiyahan nilang dumalaw kay Flor sa ospital.
Hindi na napigilan ni Alma ang kanyang damdamin at napagpasiyahan niyang ipagtapat na kay Victor ang kanyang nadarama. Sa araw din na iyon ay ipinagtapat ni Alma sa kanyang Daddy na alam niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Dolores. Nasabi niya iyon ng dahil pagtatalo nila tungkol sa pagkikita nila ni Victor.
Kinabukasan ay ipinadala ni Alma ang kanyang bag kay Victor at sa di sinasadya ay nakita ni Victor ang talaarawan ni Alma. Hindi umaamin si Victor kay Alma nang tanungin siya nito kung nabasa niya ang talaarawan nito.
Lumipas ang mga araw at mas lalong nagkamabutihan sina Victor at Alma hanggang sa dumating ang isang araw na hindi na nila napigilan ang damdamin ng isa’t isa at sila ay nagpasiya ng magpakasal. Pumunta si Victor sa bahay nila Alma upang hingin ang kamay ni Alma sa ama nito. Hindi naman tumutol ang ama ni Alma at masaya pa ito para sa dalawa. Napagpasiyahan nilang sa lalong madaling panahon ay ikakasal sila.
Dumating ang araw ng kasal. Simple lamang ang pag-aayos dito at kakaunti lamang ang inimbitahan ngunit sa kabila nito ay masayang idinaos nila Alma at Victor ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Sa gabi ng kanilang kasal ay nakapag-isa ang bagong kasal. Inihandog ni Alma ang kanyang talaarawan kay Victor at Ibinigay naman ni Victor kay Alma ang panganay nilang halik sa isa’t isa. Doon ay ipinagtapat na ni Victor na nabasa niya ang talaarawan ni Alma. At pagkaraan ng ilan pang sandal, doon sa pook na iyon ng Tundo’y sinimulang likhain, sa kabila ng ingay ng mga nagsusumbatang pulitiko, ng dalawang nagkakaisa’t nagkakaugnay ng pangarap ang isang bago’t matapang na daigdig. Isang daigdig na kaypala’y may sariling langit na biyaya ng pag-ibig.
+..2008 Intramurals of RC..+
January 26, 2008+..Rogationist College at 21..+
Saya ng Intrams! Graveh! Sobrang enjoy! One week na walang klase puro ball games lang at pag-iikot sa mga booths ng iba’t ibang clubs. Astig ang Intrams this year sa RC dahil sa sobrang daming kainan at booth. I admit, madalas akong makita sa mga kainan kaysa sa mga booth kagaya ng Lock Booth, Marriage Booth, Dedication Booth, Rythm Booth, Henna Booth, at kung anu-ano pa!. Uhm. Pero kadalasan din nasa booth ako ng Glee Club. Yung booth ng Glee Club is about music and singing. Syempre! Kapag nakatapak ka ng mga notes na nakadikit sa floor tapos nahuli kang tumapak, you have to pay P5 tapos kakanta ka sa Videoke na marami ang makakarinig sayo kung ayaw mo naman kumanta sa harap ng maraming tao at kung ayaw mo din mapahiya magbabayad ka ng P10. hehehe. Busy talaga ako nun kasi kahit na hindi ako Glee Club, nakihuli ako nung mga nakakatapak sa notes. Ay! Nga pala! Pwede din makahuli ng iba kahit na hindi sila tumatapak. Everyday, merong mga gamit na ipinagbabawal like doll shoes, pink na cap, shoes na may tatak na(nike, adidas, skeachers) at henna. Kapag nakita yung mga bagay na yun sa isang estudyante, pwede silang mahuli ng mga Glee Club Members. hehehe.Honestly, violator ako lagi pero hindi ako nahuhuli. hahaha. Kasi ako yung nagvolunteer na manghuli para dun sa kasama ko. Kung hindi dahil sakin hindi siya makakahuli ng 45 students sa isang araw lang. Oh di ba? Kung hindi dahil sakin hindi ganun karami yung mahuhuli niya. hehehe. Well, enough about that. Ayun! Saya din ng cheering. Sayang! Hindi nagchampion sa cheering ang Red Warriors o kaya man lang ang White Slayers. Actually sa Warriors lang dapat ako magcheer kasi yun yung bracket ko talaga pero syempre sa kagustuhan din namag-overall champion ang bracket namin, nagcheer na ako sa Slayers baka sakaling mag-overall pa ang Red Warriors.hehehe. Ganun lang yun eh!
Pero Congratulations sa Green Forces kasi deserving talaga sila. Nandun kasi si Sir Mike. Swerte yun eh! hehehe. Galing ng cheering nila! Deserving sila matawag na Forces kasi pwersado talaga yung pagsasayaw nila. Galing!
Aw…Tagal kong nawala at hindi nakapag-internet. Sorry sa mga di ko nareplayan sa mga hinihingi nilang buod ng "Ang Tundo Man May Langit Din". Naguiguilty naman ako dun, ang dami kasi humihingi ng buod ngayon ko lang nalaman na may humihingi pala nun. Aw talaga.
+..Ang Tundo Man May Langit Din..+
January 17, 2008
Ang Tundo Man May Langit Din
by Andres Cristobal Cruz
Ang Tundo Man May Langit Din a story of individuals in love, unfolded against a carefully authenticated social background in order to dramatize the contemporary national experience.
Yes! I finally finished reading this intresting novel "Ang Tundo Man May Langit Din" by Andres Cristobal Cruz. I have read this novel for only two days! Can you believe that? Naadik na ba naman ako sa pagbabasa ng nobelang to. And I just borrowed this book from our school library so, I have to finish reading this book and give it back on or before the due date that’s why I only read it for just a few days. Pero kahit na ganun, I think I really understood the flow of the story. Well, minsan nakakalito magbasa ng nobelang to kasi nagjujump yung story from one person to another. So, kailangan maintindihan mo yung pagkakaiba-iba ng mga characters sa story so that you could know who’s the person the narrator is talking about.
Siguro kayo nalang yung bahalang magbasa ng nobelang to. Kung nabasa niyo na to edi mabuti but if you’re not yet reading this novel, I encourage you to read it kahit na paunti-unti lang. To the graduating students, please read this novel, bagay na bagay to sa inyo at talagang makakarelate kayo. I’m sure marami kayong matututunan.
Please wait nalang for my next post about this topic. Siguro kapag natapos ko na yung pagsusuring basa(Book Report) ko baka maipost ko yun dito. I will also try to summarize the novel for those who doesn’t want to read the full novel.
Kailan mo kaya matutuklasan ang aking daigdig na ito, ang lihim kong ito? Mula ngayon, magpakailanman, ang daigdig mo’y daigdig ko na rin.
-Alma Fuertes-
+..Emo the 2nd time around..+
January 14, 2008+..Walang kokontra. Nagpapakasenti lang..+
+..Wala na kaya akong karapatan sa iyo? Ang mahalin kita ang siya kong karapatan. Hindi ko maipipilit ang aking sarili. Mamahalin kita nang may paghahamon. Inihanda ko na ang aking sarili sa anumang pag-uusig, at ang pag-uusig man ng aking sarili, balang araw, kung mangyari man, ay pinaghandaan ko na rin..+
+..Bakit lagi kitang nakikitang umiiyak? Hindi pa naman ako mamamatay ah. Sa tinig mo’t mga tingin nakikita kong nalulungkot ka. Hindi mo ba alam? Minsan masakit sa aking kalooban, nahihirapan ako sa ganoong mga kilos mo’t galaw. Umiiyak ka dahil sa nalalapit kong paglisan. Para akong mamamatay sa hirap ng aking dinaramdam sa tuwing nakikita kitang lumuluha at sa pagsasabi mo sa akin na ako’y lilisan na. Bakit ba? Panandalian lang naman yun di ba? Darating ang panahon na magkakasama na ulit din tayo. Kaunting panahon lang yun at sana sa panahon na magkita tayong muli ay nariyan ka at naghihintay sa aking pagbabalik..+
+..Hindi naman ako lalayo eh. Nandito pa rin ako at lubos na nagmamahal sayo. Hindi ko lang talaga maiparamdam dahil sa takot na maulit pa ang mga masasamang pangyayari sa atin noon sa mga taong may malisya ang pag-iisip. Ngayon, tayo’y nakakulong sa daigdig ng mga taong nasa paligid natin. Nais natin kumawala pero hindi natin alam kung papaano. Umaasa ako na darating ang araw na tayo’y magiging malaya at magkaroon ng sarili natin daigdig kung saan tayo’y maligaya..+
haha..Napakakorni pero totoo..
+..Emo..+
January 4, 2008+..Oh come on!..Emo today..+
+..ONCE, NOW, THEN..+
Once,
I felt so light in the air
My happiness way beyond compare
Everyday was always a unique world
Because of the promise I once told.
Now,
I’m alone, victim of a silly game
My heart is aching and is in pain
Everything is just ordinary and simple
No more world that is colorful.
Then,
Life must go on with the reality
I must face my new journey
I have learned from my mistakes
Now, I’m sure with every step I take.
+..Friends can be Lovers but Lovers cannot be Friends???..+
-Anonymous-
+..Spongecola Concert..+
December 21, 2007+..Rogationist College - High School Department, Student Body Organization 2007-2008 proudly presents SPONGECOLA in concert. The concert will be held at St. Francis Sports Complex (RC Gymnasium) Km 52 Aguinaldo Hi-way, Lalaan 2, Silang, Cavite on January 18, 2008, Friday at 6:00 pm. Each tickets are worth Php 150.00..+
+..To those who are interested to buy a ticket concert, please email me: darius_duane@yahoo.com..+
+..or you could also leave a comment in my comment box..+
+..Please guys! Bili na kayo. Kailangan lang talaga mabenta yung mga concert tickets. hehehe.. I have no choice but to sell these tickets. SO PLEASE, IF YOU ARE INTERESTED IN BUYING THESE TICKETS, JUST EMAIL ME BEFORE JANUARY 10..+
+..Come on guys! The proceeds of this concert will solely be used in charity works and other projects of the SBO..+
+..Please support the projects of the SBO. They are all for good cause. Thank You!..+


















